Lunes, Enero 28, 2013

A-F Hari ng Tondo

Hari ng Tondo

A.
           Ang kantang 'Hari ng Tondo" ay nangangahulugang " mga mahahapding palad na hindi lantad". Ibig sabihin, mga masasakit na kapalaran sa hindi nakikita o tinitingnan, o napapansin o pinapansin.
C.D.
         Alam naman nating lahat na ang Tondo, Maynila ay isang lugar kung saan matatagpuan ang mga pamilyang maralita at mga kabataang nagsisikap para lamang sa wala, dahil nga sa 'kahirapan'.
E.
          Sa  kabuuan  ng  kantang  "Hari  ng  Tondo" ay  mayroong  paksang  kahirapan,  isang napakasaklap na kapalaran at isang buhay na halos patapon na lamang sa lipunan. Mga mahihirap na wala halos magawa sa kanilang namana, at sa pagbaliktad ng kanilang paningin, mayroon silang makikitang isang paraan, ang matutong humawak ng patalim at makilala bilang isang "Hari ng Tondo".
B.
           Ayon sa mga nagawang kanta si Gloc-9, unti-unti ko siyang nakikilala. Isa siyang taong may pakialam sa lahat lalong-lalo na sa mga mahihirap at mayroon siyang hangaring mabigyan ng puwang ang bawat mamamamayan sa lipunan, at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-awit at rap. 
F.
           Dahil sa kantang "Hari ng Tondo", at sa mga liriko nito, mayroon akong isang nakalap na mahalagang aral,  na ang kahirapan ay hindi sanhi kundi bunga ng kawalan ng pagiging huwaran ng bawat mamamayan.

Miyerkules, Enero 16, 2013

Kabuhayan ng Cebu


     Isa sa mga popular na pangkabuhayan sa Cebu ay ang pagiging mangingisda. Kumikita sila sa pagbebenta ng mga isda at ang karaniwan nilang pinagkakakitaan ay ang mga nahuhuli nila sa dagat. Ito ang karaniwang trabaho na makikita sa Cebu dahil ang lugar nila ay madagat o malapit sa dagat. Sa tingin ko pwede nitong mapaunlad ang Cebu sa pamamagitan ng pag e-export nito sa ibang lugar.

Mga Larong Pambata

   

         Ito ay ang mga sikat na laro sa Cebu ngunit hindi lamang ito nilalaro sa Cebu kundi sa buong Pilipinas.
Paano ito nilalaro? Una, kailangang pumili nang magiging taya, at kung may napili na, tutuwad ang taya at sa ibabaw noon lulukso ang mga playes. Kapag lumukso ka at natamaan mo ang katawan ng taya, ikaw na ngayon ang taya. Halos parehas lang sila nang luksoong tinik at ang pagkakaiba lamang nila ay ang luksong-baka ay ginagamitan ng likod at ang luksong-tinik naman ay ginagamitan ng kamay.
         Itong mga larong ito ay popular na laro dahil sa macha-challenge kang talagang tumalon kagag mataas na. Ito ay matagal nang laro dahil sa masaya ito at ito ay magandang laro na gawa ng Pinoy.

Eskultura ni Lapu-lapu


          Ito ay ang eskultura ni Lapu-lapu sa Mactan, Cebu. Ito ay sumikat  dahil sa katapangan ni Lapu-lapu na labanan si Magellan noong ika-27 ng Abril, 1521 at dahil na rin sa siya ang naging unang bayani sa Pilipinas.

Ang Alamat ng Niyog

Ang Alamat ng Niyog

      Noong unang panahon may mag-asawang sina Maria at Juan. Sila ay nakatira sa itaas ng puno (kubo sa itaas ng puno). Nais nilang magka-anak pero hindi sila  nabiyayaan ng anak. At dahil sa hindi sila mabiyayaan, lagi-lagi silang nagdarasal na magkaroon kahit isa lamang na anak at naging panata rin nila iyon sa tuwing may magaganap na pista sa lugar nila.  Halos mawalan na ng pagasa ang mag-asawa ngunit dahil sa awa ng Diyos, sila ay nabiyayaan ng isang anak ,isang anak na lalaki at pinangalanan nila iyong si Niyo.
       Halos isang taon na ang lumipas at marunong ng maglakad si Niyo. Nagta-trabaho si Juan bilang isang mambubukid. At si Maria naman ang nag-aalaga sa anak nila.
     Isang araw si Niyo ay tulog sa kanyang duyan. Iniwan ni Maria si Niyo at pumunta sa bukid upang manguha ng kamote. Habang siya'y nangungumpay, si Niyo ay nagutom at umiyak. Hinanap niya ang kanyang ina ngunit wala ito sa kanilang bahay. At dahil sa kagustuhan niyang makita ang kanyang ina,bumaba ito sa duyan at dumiretso siya sa kanilang pintuan. At sa kasamaang palad si Niyo ay nahulog mula sa bahay nila at siya ay namatay.
        Sobrang nagsisisi si Maria dahil iniwan niya ang kanilang anak, at halos hindi niya mapatawad ang sarili niya sa ginawa niyang iyon. Sobra-sobra ang pighati ng mag-asawa at hindi naglaon, inilibing na si Niyo. Dahil sa kagustuhan ng mag-asawa na makapiling ang anak inilibing nila ito sa kanilang bakuran at lagi-lagi nila itong binibisita.
       Pagkatapos ng maraming taon, nakita nilang may tumutubong halaman sa mismong puntod ng anak nila. Inalagaan nila iyon ng husto at hindi nag-laon, ito ay lumaki na nang lumaki hanggang sa nagkaroon na iyon ng bunga. Kumuha sila ng isang bunga at nakita nilang ito ay hugis mukha at may dalawang mata at isang bunganga.
        Nang tinikman nila ito , sila ay nasarapan dito. Pinatikim din nila ito sa kanilang kapitbahay at sila rin ay nasarapan dito. At dahil sa mismong puntod ng anak nila tumubo ang puno pinangalanan nila itong Niyog. 
         Dahil sa malinamnnam na lasa nito, nagtanim sila nito nang nagtanim hanggang sa dumami ito at ito ay kumalat sa kanilang bayan. Ito ang ginawa nilang negosyo, yumaman sila at iyon ay dahil kay Niyo.


Ang kwentong ito ay tumagal sa kasalukuyan dahil sa magandang kuwento nito. Ang totoo niyan hindi ko ito sinearch sa google, ito ay ipinasa lamang ng aking ina na taga-Cebu at kinukuwento lang daw ito ng mga matatanda sa kanila.       Sa tingin ko medyo kapan-paniwala naman ang kuwentong itodahil sa reaksyon ng karamihan sa kwentong ito ay para silang napaniwala at naririnig ko na lagi nilang sinasabi "aahhh, oo nga noh parang hugis mukha iyong niyog.

     
       

Martes, Enero 15, 2013

Mga sikat na pasyalan sa Cebu

               

     Ito ang lugar na laging pinapasyalan sa Barili, Cebu , ang Mantayupan Falls . Ito ay dahil sa sobrang kagandahan nito at mararamdaman niyo talaga na nasa loob kayo ng refrigerator, dahil sa sobang lamig ng tubig ng falls na ito. At sinisigurado ko talaga sa inyo na fresh na fresh kayo pagkatapos niyong maligo dahil na rin sa sobrang linaw at kalinisan na tubig nito. Ito ay may lalim na 200 ft. pero hindi pa ito sigurado. Isa rin ito sa mga tourist attraction sa Cebu. 

         

     Ito ang Toslob Falls o Mag-ambak Falls, ito ay matatagpuan sa Oslob, Cebu. Kapag nadito kayo mararamdaman niyo ang lamig at sarap ng napakalinaw na tubig. Sigurado akong masisiyahan kayo at sigurado rin ako na pagkatapos niyong maligo dito, dadalhin niyo pag-uwi ang ganda at ginhawang hatid nito sa matamlay niyong katawan  hahahhaha.... ANG SARAP-SARAP NAMAN TALAGA SA PINAS...!!


Kasaysayan ng Cebu



 Ang pangalang Cebu ay nanggaling sa salitang 'Sugbo' na ibig sabihin ay “naglalakad sa tubig”.Ito ay nagsimula sa isang mapayapang bayang pangisdaan noong 1521. Si Magellan ay dumating dito at naglagay ng Krus na yari sa kahoy, ito ay naging unang simbolo ng Kristyanismo sa Cebu. 
       Ang mga Espanyol ay nagtayo ng matitirahan para sa kanila. Si Miguel de Legazpi ang nagpilit na magtayo ng fort,na ngayon ay pinaka kilala na dahil sa liit nito at ito rin ang pinaka matandang fort sa bansa,ito ang Fort San Pedro. Noong Abril 1965, ang mga Cebuano ay nakatutok sa Kristyanismo, Sina  Legazpi at si Fray Urdaneta ay ang nagutos na itayo ang San Augstine Church, na ngayon ay tinatawag nang Basilica Minore del Santo Nino, alang-alang sa unang imahe ni Señior Santo Nino.

Pagdiriwang sa Cebu

       

      Ito ang Sinulog Festival, pag ipinagdiriwang ito , bawat bahay sa Cebu ay naghahanda ng pagkain. Ipinagdiriwang ito hanggang ngayon dahil sa kasiyahang handog nito sa lahat at dahil dito, pumupunta at ipinagdiriwang na rin ito ng mga turista. Mahalaga ito sa ating kasaysayan dahil sinisimbolo nito ang ating pagpapahalaga natin sa ating lahi. Ito rin ay isa sa mga tourist attraction sa bansa.