Miyerkules, Enero 16, 2013

Ang Alamat ng Niyog

Ang Alamat ng Niyog

      Noong unang panahon may mag-asawang sina Maria at Juan. Sila ay nakatira sa itaas ng puno (kubo sa itaas ng puno). Nais nilang magka-anak pero hindi sila  nabiyayaan ng anak. At dahil sa hindi sila mabiyayaan, lagi-lagi silang nagdarasal na magkaroon kahit isa lamang na anak at naging panata rin nila iyon sa tuwing may magaganap na pista sa lugar nila.  Halos mawalan na ng pagasa ang mag-asawa ngunit dahil sa awa ng Diyos, sila ay nabiyayaan ng isang anak ,isang anak na lalaki at pinangalanan nila iyong si Niyo.
       Halos isang taon na ang lumipas at marunong ng maglakad si Niyo. Nagta-trabaho si Juan bilang isang mambubukid. At si Maria naman ang nag-aalaga sa anak nila.
     Isang araw si Niyo ay tulog sa kanyang duyan. Iniwan ni Maria si Niyo at pumunta sa bukid upang manguha ng kamote. Habang siya'y nangungumpay, si Niyo ay nagutom at umiyak. Hinanap niya ang kanyang ina ngunit wala ito sa kanilang bahay. At dahil sa kagustuhan niyang makita ang kanyang ina,bumaba ito sa duyan at dumiretso siya sa kanilang pintuan. At sa kasamaang palad si Niyo ay nahulog mula sa bahay nila at siya ay namatay.
        Sobrang nagsisisi si Maria dahil iniwan niya ang kanilang anak, at halos hindi niya mapatawad ang sarili niya sa ginawa niyang iyon. Sobra-sobra ang pighati ng mag-asawa at hindi naglaon, inilibing na si Niyo. Dahil sa kagustuhan ng mag-asawa na makapiling ang anak inilibing nila ito sa kanilang bakuran at lagi-lagi nila itong binibisita.
       Pagkatapos ng maraming taon, nakita nilang may tumutubong halaman sa mismong puntod ng anak nila. Inalagaan nila iyon ng husto at hindi nag-laon, ito ay lumaki na nang lumaki hanggang sa nagkaroon na iyon ng bunga. Kumuha sila ng isang bunga at nakita nilang ito ay hugis mukha at may dalawang mata at isang bunganga.
        Nang tinikman nila ito , sila ay nasarapan dito. Pinatikim din nila ito sa kanilang kapitbahay at sila rin ay nasarapan dito. At dahil sa mismong puntod ng anak nila tumubo ang puno pinangalanan nila itong Niyog. 
         Dahil sa malinamnnam na lasa nito, nagtanim sila nito nang nagtanim hanggang sa dumami ito at ito ay kumalat sa kanilang bayan. Ito ang ginawa nilang negosyo, yumaman sila at iyon ay dahil kay Niyo.


Ang kwentong ito ay tumagal sa kasalukuyan dahil sa magandang kuwento nito. Ang totoo niyan hindi ko ito sinearch sa google, ito ay ipinasa lamang ng aking ina na taga-Cebu at kinukuwento lang daw ito ng mga matatanda sa kanila.       Sa tingin ko medyo kapan-paniwala naman ang kuwentong itodahil sa reaksyon ng karamihan sa kwentong ito ay para silang napaniwala at naririnig ko na lagi nilang sinasabi "aahhh, oo nga noh parang hugis mukha iyong niyog.

     
       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento