Lunes, Enero 14, 2013

Tulang Pangmakabayan

"Pilipino ako at Ipinagmamalaki ko ito"

Pilipinas ang aking bansang pinagmulan,
Sa lugar na ito tumatak ang aking isipan,
na maging isang magiting na makabayan,
at mabuting mamamayan.

Bilang isang mahusay na kabataan,
kailangan mong ialay ang diwa mo sa sambayanan,
At kung ikaw ay nasa gitna ng himagsikan,
ang magmimistula mong sandata ay ang iyong pagiging makabayan.

Ang Pilipinas ay aking inilalarawan,
Bilang sandata ng kadiliman.
At dapat ang ating buong lipunan,
ay dapat itong pagmulatan.

Bilang isang mamamayang Pilipino,
na may nananalaytay na dugong Pilipino,
dapat na tumatak sa iyong puso,
na ikaw ay Pilipino at Ipinagmamalaki mo ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento